tonite-no-thanks-cristy-fermin

PISTA na naman sa nayon, kaya pinagpistahan sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang isang pamosong female personality na napakahilig ipagbanduhan sa publiko ang kung anumang meron siya sa buhay, hindi siya marunong maglihim.

Pati ang brand ng kanyang panty at bra ay alam ng publiko, pati ang mga ginagamit niyang klase ng tiles at ­inodoro sa ipinatatayo niyang bahay ay alam na ng buong bayan, ganu’n daw ba talaga ang ugali ng kilalang female personality?

Tanong ng isang miron sa umpukan, “Meron pa kaya siyang time para alagaan ang mahal niya? May panahon pa kaya siya para sa sarili niya? E, para ka­sing nakapagkit na lang siya sa mga gadget niya para kunan nang kunan ng mga pictures ang mga stuff niya?

“Wala na siyang itinatago, lahat na lang, e, naka-broadcast na sa buong mundo! Pati ba naman ang mga presyo ng kagamitan niyang branded, e, kailangan pa rin niyang ipaalam sa publiko?

“E, hindi naman siya ang klase ng taong ngayon lang nakakatikim ng kasaganahan sa buhay, di ba? Dati naman siyang meron, mayaman ang family nila, kaya kahit nu’ng bata pa siya, e, naliligo na siya sa mga branded products!” nakataas ang kilay na tanong-opinyon ng source sa umpukan.

Opinyon naman ng mga nandu’n ay meron lang siyang pinatatamaan. May gusto lang siyang inisin dahil magkakontra sila ng isang magandang aktres na palaging pinagbibintangan ng kanyang kampo na nanggagaya at naiinggit sa kanya.

Panghuling sultada ng aming source, “Sige, sabihin n’yo kung bakit siya nagkakaganyan na lahat na lang ng meron siya, e, kailangang malaman ng lahat ng tao?

“Gusto lang niyang buwisitin si ____(pa­ngalan ng kaaway niyang magandang aktres), gusto niyang ipamukha na ang mga meron siya, e, wala ang kalaban niya!

“‘Yun lang ‘yun, and I, thank you,” pagtatapos ng aming impormanteng nakataas ang kilay sa 20th floor.

Tito James loves Bimb. Dada Ipe is bad! – Joshua

TINAPOS na ni Kris Aquino ang problema sa pagitan nila nina Phillip Salvador at dating SAP Bong Go. Pero gusto naming maging parehas. Inilalabas namin ngayon ang mahabang text ng aktres-TV host na tinanggap namin nu’ng nakaraang Sabado.

Alam ni Kris na hindi kami pabor sa ginawa niyang paghalungkat sa mga nakaraang pagkukulang ni Kuya Ipe, dahil sa aming opinyon ay hindi ‘yun maganda sa panlasa, lalo na’t nagmahalan sila at nagkaroon pa nga ng produktong si Joshua.

May utang kaming espasyo kay Kris, kaya heto ang aming bayad, ang kanyang paliwanag tungkol sa naganap.

“‘Nay, alam kong ikaw ang nag-try, sa The Buzz, ikaw ang nagdala ng cake (Estrel’s, di ba?) para kay Kuya Josh. Pero 3 nights hindi nakatulog si kuya. Di ba, pag special, iba ang talas nilang makaramdam? 2012 was the last time, by accident, nagkita sila sa dressing room, proud na ipinakilala ni Kuya Josh si Bimb, sabi niya, ‘This is my Dada Ipe.’

“Nasa Japan nu’ng una akong pinakitaan nu’ng skit. I didn’t know, sinearch ni kuya, until si Bincai, pumunta sa iPhone history ni kuya (totally different matter, iisa ang account nila ni Bimb sa YouTube and nagulat ako na Bimb had mentioned “giving head”- haaaayyyy at 11 years old!).

“Dun namin nakita, ilang beses palang pinanood. And hindi na tumatabi si kuya, pero sumiksik sa amin ni Bimb.

“Si James Yap mautak, si Bimb pa rin ang profile pic sa IG n’ya. Nagsabi si kuya kay Bincai, ‘Tito James loves Bimb. Dada Ipe is bad!’

“Alam kong mahal mo si Ipe and sa pananaw mo, hindi ko na dapat ipinamukha ang pagiging ‘wala’ n’ya ngayon. Pero ‘yung pinakainosente ang sinaktan n’ya. Sorry ‘Nay, pero lahat ng close kay Bong Go na puwedeng kumausap sa akin, lahat nagsabi, si Ipe ang may idea nu’ng skit.

“Hindi ko ma-take na sa lahat ng bira na tinanggap namin, na mongoloid si Josh, through all Noy’s campaigns and presidency, never naman nga nagsalita si Ipe to defend kuya. Tapos, para may allowance ngayon from Bong Go, dedmang gamitin kami?

“Sorry ‘Nay, pero si Bong, nagawang tumawag. Kung ginusto ni Ipe, siya rin sana nag-sorry… hindi n’ya ginawa,” kabuuang mensahe ni Kris Aquino.