Female personality maraming naging GF

Female personality maraming naging GF

SA biglang tingin ay walang magsasabing may pusong-lalaki ang isang kilalang female personality. Napakaganda niya, mahinhin siyang magsalita at kumilos, masasabihan pa ngang sinungaling at nag-iimbento lang ng senaryo ang magkukuwentong tibo siya.

Pero bakit nga ba ayaw mamatay-matay ng isyung may pusong-lalaki ang magandang aktres? Marami kasing nagpapatotoo na ganu’n nga siya. Hanggang may mga dilang kumakawag tungkol sa kanyang tunay na kasarian ay hindi mamamatay talaga ang kuwento.

Sabi ng isang source, “Bata pa lang siya, e, nag-a-appreciate na talaga siya ng mga kabaro niya. Buhay na buhay pa ang mga kaklase niya sa high school, alam nila ang kartada ni girl!

“Nakailang karelasyon ba siyang babae sa school nila? Marami! Sa ganda niyang ‘yun na talaga namang maraming boys ang nagkaka-crush sa kanya, e, girls ang pinagkakaabalahan niya!” patotoo ng isang impormante.

Napakaganda nga naman kasi ng aktres, ibang-iba ang kanyang ganda, walang anggulo. Hindi siya namimili ng role na gagampanan. Puwede siyang mayaman at puwede ring nagdarahop.

Sabi naman ng isa pang source, “Siya ang nagdadala ng relasyon, siya ang mhin, hindi siya ang dyowa ng girl. Parang nakakagulat lang dahil hindi naman siya ‘yung tipong machong-macho talaga kumilos, girl na girl pa rin siya, ‘di ba?

“Pero siya ang tibo, dinadala niya ang relasyon, marami na siyang nagiging girlfriend na hindi artista. Maraming nakakaalam nu’n! Sayang, ‘no? Angelic pa naman ang beauty niya, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormante.

Dating aktres buking ang pagbabalot

SA isang sikat na casino ay kinuwestiyon ang isang dating aktres ng mga house security. Nanghinayang kasi siya sa mga natirang pagkain, bawal na bawal pala ang ganu’n, pero nagdedenay pa ang dating aktres nu’ng una.

Libre ang pagkain ng mga high rollers sa casino, kaibigan ng dating aktres ang pinuntahan niya, kaya pinakain din siya ng kaibigan niyang palaging nagka-casino.

Kuwento ng aming source, “E, ang dami-daming natira, puro masasarap pa, kaya ibinalot niya ‘yun, inilagay niya sa bag niya! E, bawal na bawal ang ganu’n, no take out. Du’n mo lang kakainin.

“Dahil sa pagdedenay niya, e, sinabi ng house security, ‘Nakita na po namin ang CCTV, ibinalot n’yo po ang mga food. Bawal po ‘yan.’

“Hindi na siya nakapagkaila, inilabas niya na lang ang mga ibinalot niyang food, nag-sorry na lang siya sa mga house security.

“Bakit naman kasi niya kailangang gawin ‘yun, e, hindi naman siya nagugutom? Mayaman naman siya, ‘di ba? Nakakahiya siya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Nasa unahang bahagi ng alpabetikong Pilipino ang initials ng pangalan at apelyido ng dating aktres.

Alden nambulabog ng kamalayan

NU’NG Biyernes nang gabi ay nambulabog ng kamalayan ng manonood ang huling kuwadro ng The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Hinawakan siya sa braso ni Jean Garcia, ang tunay niyang ina sa serye, “Kumusta ka na?” Hindi nakapagsalita si Joseph. May iba siyang naramdaman sa paghawak ni Jean sa kanya.

Naku, sangkatutak na text agad ang tinanggap namin nang gabing ‘yun, baka raw mapanaginipan ni Joseph na si Jean ang tunay niyang ina.

Sabi ng kaibigan naming si Liza, “Naku, ‘yun na ang revelation! ‘Di nga ba, palagi niyang napapanaginipan na nasa kabaong si Father? Nakikita niya ang mga mangyayari through his dreams?

“Nu’ng hawakan siya sa braso ni Jean, e, parang natulala si Joseph! Naku, baka mapanaginipan niya na si Jean pala ang nawawala niyang nanay!” excited na kuwento ni Liza.

Palalim na nang palalim ang takbo ng kuwento ng The Gift, nakakakaba ang bawat episode, habang kilig na kilig naman ang mga tagasuporta ni Alden Richards sa kaguwapuhan ng kanilang idolo.