Bonggang-bongga pala ang itsura ng van ng isang kilalang female personality. Hitsura ng shopping mall at grocery sa kanyang sasakyan.
Nagtira lang siya ng espasyo para sa kanyang sarili at ang halos kabuuan na ng kanyang van ay mistulang running grocery store.
Anong hindi kumakain ng junk foods ang sosyaling babaeng personalidad? Sangdamakmak ang junk foods niya sa van, kain siya nang kain habang bumibiyahe, may kuwento pa nga tungkol du’n.
Sabi ng aming source, “Ngalot siya nang ngalot habang bumibiyahe sila, lunok naman nang lunok ang driver at alalay niya! Hindi siya marunong mag-share, siya lang ang lumalafang, wah siya give sa mga kasama niya!
“At take note, alam niya ang bilang ng mga junk foods niya, alam na alam niya kung may kulang, palagi siyang nag-iimbentrayo ng mga pagkain niya sa van!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
Ayaw raw kasi ng sosyaling female personality na kapag may kailangan siya sa taping at shooting ay tatakbo pa para bumili lang ang kayang alalay.
“Puwede na nga siyang tumira sa van niya, kasi, meron na rin siyang ref at kalan du’n! Kumpleto siya sa mga kagamitan sa kusina, pramis!
“Kapag nakita n’yo ang van ng girl, e, parang gugustuhin n’yo nang magpaampon na lang sa kanya, dahil kumpleto siya sa lahat ng mga kagamitan!
“Para nga siyang naglilipat-bahay kapag dumarating siya sa set, ang dami-daming hinahakot ng alalay at driver niya, siya rin ang nagpauso ng malalaking plastic bin na lagayan ng mga t-shirts niya.
“Mas marami pa nga siyang paninda sa van niya kesa sa mga sari-sari store d’yan! Maramihan siyang mag-display, para talagang grocery ang sasakyan niya!
“Kaya lang, iniimbentaryo niya ‘yun, ha? Alam niya ang bilang, alam niya kapag nabawasan, alam ng sosyaling girl kung nalulugi na ang tindahan niya!” humahalakhak pa ring pagtatapos ng aming source.
Ha! Ha! Ha! Ha!
***
Utang ni Ion babayaran ni Vice
Kung totoo ngang may naghahabol na becki kay Ion Perez dahil sa utang nitong isandaang libong piso ay walang problema. Sa ayaw at sa gusto ni Kuya Escort ay babayaran ‘yun ni Vice Ganda.
Pero hindi ‘yun dahil sa pineperahan at ginagamit nito ang sikat na komedyante, talagang hindi gugustuhin ni Vice na hinahabol ang nagpapaligaya ngayon sa kanya, bayaran na agad ‘yan!
Lantaran na ang pagsasabi ni Vice na in-love siya ngayon. Hindi sa kanya nanggagaling kung sino ang nagpapasaya sa bawat umaga niya, mga kasamahan nila sa noontime show ang nagbubuking sa kanila ni Ion Perez, dahil wala na silang itinatago.
Baryang-barya lang ang one hundred thousand pesos sa isang bilyonaryo nang tulad ni Vice Ganda. Inuulit namin, hindi siya milyonaryo, bilyonaryo na ang komedyante-TV host.
At hindi gugustuhin ni Vice na may naghahabol kay Ion sa ganu’ng halaga lang, lalo na’t ginamit naman ‘yun ng binatang personalidad para sa kanyang pamilya, kahit sampung doble pa ay kayang bayaran ni Vice ang pagkakautang ni Ion.
Kung ang mga lumalapit nga sa kanya ay hindi niya pinagdadamutan, marami siyang tinutulungan, si Ion pa ba naman na kumukumpleto ng kaligayahan niya sa maghapon ang titiisin ngayon ni Vice?
Lahat ay gagawin ng isang nagmamahal, kahit ano ay handang ibigay ng isang umiibig, si Ion ang kape sa umaga ngayon ng sikat na komedyante at inspirasyon at bitamina sa maghapon kaya walang hindi gagawin si Vice para kay Ion.
Sabi nu’n ng isang sikat na designer ay hindi raw humihingi sa kanya ng datung ang isang hunk actor, sabi naman ng kanyang katabing becki, “Paano naman siya hihingi sa iyo, e, kusa siyang kumukuha sa wallet mo?”
Ha! Ha! Ha! Ha!