Kulang na kulang sa tiyempo ang isang kilalang female personality. Kung gaano kadulas ang dila ay ganu’n din ang kanyang mga aksiyon.
Sa isang siyudad sa South ay maraming nainis-nagtampo sa pamosong female personality. Nagpunta siya du’n para sumuporta sa kanyang minamanok sa eleksiyon. Natural, masang-masa ang kanyang dating kahit hindi naman.
Kamay dito, kamay du’n, bawal nga lang siyang yakapin at halikan dahil nakapalibot sa kanya ang mga bodyguards niya na ‘yun lang naman ang trabaho kung tutuusin.
Malinaw sa mga ito na puwede siyang kamayan, puwedeng magpa-autograph sa kanya ang mga faney, pero hindi siya puwedeng yakapin at halikan.
Pagsakay niya sa van nu’ng matapos na ang pakikipagkamay niya ay narinig ng mga tagaroon ang kanyang sinabi, “Dali! Dali! Akina ang alcohol, ang dumi-dumi ng hands ko! Ang baho!”
Kuwento ng aming source, “Hindi kasi siya tumitingin sa pintuan ng van, ang akala niya, e, sarado na, pero hindi pa! So, dinig na dinig talaga sa labas ang panghihingi niya ng alcohol sa mga PA niya dahil ang bahu-baho raw ng mga kamay niya!
“Kulang siya sa tiyempo, nagsisigaw na agad siya nang nakabukas pa ang door ng van, kaya maraming nagalit sa kanya. Kumalat agad ang kuwento at pinagpistahan ‘yun sa kampanya.
“Naplastikan sa kanya ang mga tagaroon dahil ang sinabi pa naman niya sa kanyang speech, e, napakalapit daw ng puso nilang magkakapatid sa masa dahil ‘yun ang itinuro sa kanila ng mga magulang nila.
“Kaso, siya mismo ang sumira sa sinabi niya dahil pag-akyat na pag-akyat niya sa van, e, alcohol agad ang hiningi niya dahil ang dumi at ang bahu-baho raw ng mga kamay niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
Ha! Ha!Ha! Ha!
Aktor naipitan ng ugat sa pakikipag-sex sa eroplano
BUONG ningning na ipinagbanduhan nina Troy Montero at Aubrey Miles na ang pinakamatinding estado ng pagniniig na ginawa nila ay sa eroplano. Idinetalye pa nga nila kung paano nila ‘yun ginawa.
Para-paraan lang, sabi nila, lalo na’t sumusubo na ang matinding init ng kanilang katawan. Ang akala nina Troy at Aubrey ay sila ang mga personalidad na unang nakapag-sex sa eroplano.
Du’n sila nagkamali dahil ilang taon na ang nakararaan ay nagawa na rin ‘yun ng isang magkarelasyong aktor at aktres. Pareho silang sikat.
Umatake ang init ng libido ng aktres, panay-panay ang kanyang lambing sa lalaki na kailangan nilang magtalik, kahit pa nasa himpapawid sila.
Hindi puwede, sabi ng aktor, dahil delikado. Napakarami nilang katabi sa business class na kahit tulog na sa biyahe ay puwedeng magising at nag-iikot din ang mga stewardess.
No, sabi ng girl, meron pang paraan. Mauuna siya sa lavatory, susunod ang aktor, du’n nila gagawin ang pagpapaalpas ng init ng kanilang katawan.
Naganap ang gusto ng aktres pero sobrang hirap ang pinagdaanan nila ng aktor. Napakatangkad ng lalaki, hirap na hirap ito sa pagkilos, kaya nang lumabas na sila sa lavatory ay para itong napilay na ewan sa tindi ng pananakit ng kanyang balakang.
Tulog na tulog na ang aktres ay nananakit pa rin ang balakang ng aktor. Ang tanging paraan, humingi ito ng oil sa stewardess, saka pinagtiyagaang hilutin ang kanyang balakang na naipitan yata ng ugat.
Nakakaloka!