tonite-no-thanks-cristy-fermin
MAAYOS na ang buhay ngayon ng isang pamoso at magandang female personality. Ilang beses siyang namuhunan sa pakikipagrelasyon pero hindi siya sinuwerte.

Sino nga ba ang mag-aakala na kung kailan pa siya nagkaedad ay saka pa pala siya magkakaroon ng pangalawang glorya?

Hindi niya minadali ang kanyang kapalaran, hindi nga siya nakipagrelasyon sa madadatung na D.O.M. dahil sanay naman siya sa hirap, hanggang sa dumating ang la­laking magbibigay sa kanya ng magandang buhay.

 

Sabi ng aming source, “Bakit siya matatakot maghirap, e, hindi naman siya mayaman? Kilala nga siyang artista, pero wala naman siyang pera. Hand to mouth lang ang kinikita niya.

“Kung sana, e, mayaman siya, matatakot siyang maghirap. Ano pa ba naman ang katatakutan niya, e, nagta-tricycle nga siya? Bumibili lang din siya ng lutong pagkain sa labas ng subdivision kung saan sila nakatirang mag-iina?

“Rock bottom na ang inabot niya, kaya talagang paakyat na ang magiging buhay niya. At nangyari nga ‘yun, nagkakilala sila ng isang politician na minahal niya at nagmahal din sa kanya.

“Maayos na ang buhay niya, pati ng mga anak niya, wala man siyang pinagkakaabalahang trabaho ngayon, e, hindi na siya namomroblema ng panggastos sa araw-araw,” kuwento ng aming impormante.

Mabait kasi ang female personality. Wala siyang sinasaktang kapwa niya artista. Hindi rin siya palaaway, napakahaba ng pisi ng kanyang pasensiya, marunong siyang umunawa sa mga kakulangan at kalabisan ng kanyang mga kahanay sa trabaho.

“Nakakapanghinayang lang ang nangyari sa kanya. Bata pa lang siya, e, kumikita na siya nang malaki, pero hindi niya ‘yun napakinabangan.

“Pero kahit minsan, wala tayong narinig mula sa kanya, tinanggap lang niya ‘yun nang magaan sa loob niya, hindi siya nagtanim ng galit sa mga taong nangwaldas ng pera niya. Mabait talaga siya, kahit itanong n’yo pa sa mga pagong sa tubigan,” madiing pagtatapos ng aming source.

***

Basurahan ni Willie puro puti

PAREHONG organisado sa buhay sina Willie Revillame at Kris Aquino. Maraming kata­ngian ni Willie ang nakikita rin namin sa aktres-TV host.

Pareho silang napakalinis sa bahay, ayaw nila sa mga kalat, galit sila sa maruming kapaligiran. Mga kuwadrong nakatabingi sa pagkaka-display, kapag nakikita ‘yun ni Willie, paalis na siya ay babalikan pa niya para ayusin.
Ganu’n din si Kris, lahat ay nakikita nito, kailangang nasa ayos ang lahat dahil kung hindi ay talagang hindi mapapakali ang aktres-TV host.

Pareho rin silang mahilig sa pagpapagawa ng mga personalized na envelope, sticker, bags at kung anu-ano pang mga kagamitang may kakambal na respeto kapag nagrere­galo sila.

Kuwento ni Bernadette, make-up artist ni Willie, “Hindi puwede kay Kuya Wil ang iba-ibang kulay ng mga stuff niya sa kuwarto. Kailangang puro puti lang.

“Bedsheet, unan, comforter, towel, kailangang puti lahat ‘yun. Para raw madaling makita kapag marumi na. Pati ang basurahan niya sa buong bahay, kailangang white din. Ganu’n siya ka-perfectionist,” kuwento ni Bern.

Iba naman si Kris, napakakulay ng kanyang mundo, lalo na sa kanyang sala. Parang bahaghari ang kulay ng kanyang mga kagamitan, pati ang mga throw pillow, hindi naman mahilig sa carpet ang aktres-TV host.

Una ay may asthma ang kanyang bunso, ikalawa ay nasisiksik lang daw naman sa ilalim ng carpet ang mga dumi, kaya kapansin-pansin na walang mga carpet sa kanyang pabolosong mansiyon.paglala­rawan kay Willie na nari­nig namin mismo kay Kris, “We love Willie, kasi, hindi siya humi­ngi sa amin ng kahit anong favor nu’ng nakaupo pa kami.”