MASYADO lang kayang matatakutin talaga ang isang kilalang female personality o kailangan na niyang makipagkita sa isang doktor?

Hindi na kasi normal para sa isang tao ang palaging nakakakita ng mga multo kahit saan siya magpunta. Wala naman siyang third eye, pero marami siyang nakikitang kung anu-ano sa kanyang paligid, ano na nga ba ang nagaganap sa buhay ng pamosong female personality?

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsan, e, nagkita-kita sila ng mga friends niya, di ang saya-saya ng tropa, di ba? Hala, kuwentuhan sila nang kuwentuhan, kantahan nang kantahan, hanggang sa sumigaw ang female personality!

“Ang sabi niya, ‘Guys, stop! Tumigil kayo! May naiingayan sa atin!’ So, nagulantang ang grupo, ano ‘yun? Sabi uli ng girl, ‘Basta, huwag kayong maingay, may mga naaabala tayo!’

“Pagkatapos, e, ikinuwento na niya na may mga nakikita raw siya sa paligid, mga spirit daw ‘yun na nananahimik, pero biglang nabulabog dahil sa kaingayan ng grupo nila!

“Lalong naloka ang mga kasama niya dahil ang sabi pa ng girl, ‘Right now, as we speak, nand’yan lang sila, nakatingin sa atin.’

“Natural, may kinikilabutan, may nanginginig na sa takot, may sumisigaw, sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa pinagsasasabi ng hitad na ‘yun?” kuwento ng source.

Nu’ng minsan namang dumating siya habang nagkukuwentuhan ang magkakaibigan sa bahay ng isang female personality ay ganu’n din ang nangyari.

Kuwento uli ng aming impormante, “Ang sabi niya, ‘Hello, guys, how are you? How many are we here? We’re only six, pero punumpuno ang sala. Marami tayong kasama right now.’

“Natural, nagulantang ang mga pinagsabihan niya, pero wala raw namang problema, kasi, kayang-kaya raw niyang kausapin ang mga multo na iwan na sila!

“Nagalit sa kanya ang owner ng house, ‘Bahay ko ito! Kabisado ko ang bawat sulok ng house ko! Walang ghost dito! Baka sariling multo mo ang kinatatakutan mo!’

“‘Yun lang at umalis na sa place ang girl na sobrang killjoy sa pagsasabing may mga spirits at multo sa paligid. Magpatingin na kasi siya sa isang psychiatrist!

“Kung ayaw niya naman, e, kailangan na siyang dalhin sa albularyo! Hindi na normal ang mga nakikita niya, hallucination na ‘yun!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

La Greta inupakan ng mga netizen

TALAGA yatang naghahanap ng sakit ng katawan si Gretchen Barretto. Hindi nga siguro siya masaya kapag hindi siya pinag-uusapan. Mukhang natutuhan na rin niyang mahalin ang kaliwa’t kanang upak sa kanya ng mga netizens.

Nag-post kasi si Gretchen ng mga retrato nila ni Mr. Tony “Boy” Cojuangco, ang kanyang ka-live-in at ama ni Dominique, dalawampu’t limang taon na raw silang magkasama and still counting.

Walang comment section sa kanyang IG account, pero hindi pa rin nakaligtas ang kontrobersiyal na aktres, pinagpistahan pa rin ng mga bashers ang retratong inilabas niya.

Siyempre, nilait-lait siya ng mga bashes, hindi raw dapat 25 years with my Dada ang inilagay niya sa caption, kundi 25 years with my money, dahil pera lang naman ng negosyante ang kanyang habol.

Ipinagtataka naman ng mas nakararami kung bakit pinapayagan siya ni Mr. Cojuangco na maugnay sa kung kani-kanino kung talagang sila pa rin ang magka-live-in hanggang ngayon.

May isang netizen pang nagsabi na puwede na raw ipagpatayo ng monumento sa pagiging martyr ang ama ng anak ni Gretchen. Napakalaki raw ng puso ng negosyante at sobrang matiisin.

Ang tanong naman ng isang kababayan natin, “Nasaan na sa picture si Mr. Atong Ang? Wala lang? Bangka-bangka lang ito sa dalawang ilog?”

Haaaay, naku!