SA isang malaking party ay pinagpistahan ng magkakaumpukan ang isang kilalang female personality na kung tawagin nila ay parasite. Nagkakaisa ang lahat sa pagsasabi na nabubuhay ngayon ang babaeng personalidad sa dugo ng ibang tao.
Marami ang nagpipista, ang iba sa kanila ay nakatrabaho na ng female personality, ang iba naman ay nakatanaw lang nang malayuan sa kanya.
Kuwento ng isang nandu’n habang nakataas ang kilay, “Isa lang ang gustung-gusto ng babaeng ‘yun, kapag may issue na puwede niyang pakisawsawan.
“Lalo na kung tungkol sa mga taong hindi iba sa kanya ang involved, type na type niya ang ganu’n, dahil kumikita siya!
“Kumampi lang siya sa gusto niyang dikitan para magkaroon siya, e, panalo na siya! May katapat na agad na bundle of joy ‘yun para sa kanya!” tawa nang tawang reaksiyon ng unang miron.
Pero mukhang malulugi na ang babaeng personalidad, hindi na masyadong aktibo sa pakikipagbangayan ang kakampi niya sa laban, paano na siya ngayon?
Isang source naman ang nagkomento, “Siya ang starter sa lahat ng gulo, di ba? Siya ang post nang post ng mga kuwento! Siya ang nagpapasabong sa mga taong hindi naman iba sa kanya!
“Kaso, wala na sa fighting mood ang kakampi niya, sinawaan na yata sa pakikipag-away, kaya walang business na pagkakakitaan ngayon ang female personality!
“E, ‘yun pa naman ang gustung-gusto niya! Mas magulo, mas may away, mas buhay na buhay siya dahil sa bundle of joy na tinatanggap niya sa kinakampihan niya!
“E, malas niya, masawain ang kakampi niya! Sumpungin ‘yun, mahilig lang mag-trip! Kapag tinatamad na, waley na!
“Kasi naman, hindi na lang magtrabaho ang babaeng ‘yun, kesa sa ganyan na mahilig siyang magpaaway para magkaroon siya!
“Sayang siya! Puwedeng-puwede pa naman siyang bumalik sa pag-arte. Kaya lang, e, may hinihingi ang production sa kanya na hindi niya maibigay.
“Isang certificate lang ‘yun, pero wala siyang maihatag! Certificate of good grooming lang, e, hindi pa niya maibigay? Charoooot!!!!” pagtatapos ng aming impormante.
‘Miracle’ winasak ang kalakaran sa MMFF
SA isang panahon na ang akala ng lahat ay si Aga Muhlach ang tatanghaling Best Actor sa awards night ng MMFF ay nabigo ang lahat.
Si Allen Dizon ng “Mindanao” ang nagwagi.
Kung ang ipinamalas na pag-arte ni Aga ang pagbabasihan ay tama, meron nga siyang laban sa kategorya, pero ang lahok niyang pelikula ay hindi orihinal at isinalin lang sa Pilipino mula sa matagumpay na pelikula ng South Korea siyam na taon na ang nakararaan.
Parang sa mundo rin ‘yun ng musika na malaki ang bentaheng manalo ng isang orihinal na komposisyon kesa sa isang piyesang Tinagalog lang na banyagang kanta.
Pero panalo pa rin si Aga Muhlach dahil namimiruya ng pera ng bayan ngayon ang kanyang pinagbibidahang “Miracle In Cell No. 7”.
Lalo pang lumalakas ang imbitasyong panoorin ang kanyang pelikula dahil sa word of mouth. Winasak ng pelikulang ito ang karaniwang kapaniwalaan na ang kailangang pelikulang lahok sa MMFF ay masasayang pelikula.
Mga pelikulang komedya, ang kung ano ang gusto ng mga bata, dahil ang Pasko nga ay para sa mga bata.
Sabi ng isang source namin, “Huwag masyadong magpakakampante si Vice Ganda, ha? Kailangan niyang tutukan ang promo ng movie niya, dahil baka isang umaga, e, magising na lang siyang number one na ang movie ni Aga at pumapangalawa na lang siya!”
Papuri naman sa magwaging Best Actor ng aming kausap, “Sobrang na-hype lang ang husay ni Aga sa movie, pero ibang klase ang ipinakita ni Allen Dizon sa “Mindanao”.
“Magaling siya, natural na natural ang acting ni Allen, pero pang-Best Actor talaga!”