Female personality pinintasan nang talikuran

actresses

KONTRANG-KONTRA si Female Per­sonality A sa ideyang magsama sila ni Female Personality B sa isang programa. Pero kailangan niyang sumunod sa desis­yon ng network na pareho nilang pinaglilingkuran.

Marami na kasing na­ririnig na kuwento ang una, pinipintas-pintasan siya ni Female Personality B sa kanilang mga ka-network, kaya nu’n pa lang ay ayaw na niyang makatrabaho ang ipinapareha sa kanya sa isang show.

Impormasyon ng a­ming kausap, “Paano naman siyang gaganahang makatrabaho si Female Perso­nality B, e, kung anu-anong pintas ang sinasabi nu’n sa kanya nang talikuran?
“Imagine, pati ang mga isinusuot niyang damit, e, inuurirat nu’ng isa, parang wala raw siyang pambili ng magagandang dress, pa­rang binibili lang daw niya sa kung saan-saan ang mga isinusuot niya!

“Pati ang make-up artist ni Female Personality A, tinatanong din ng hitad. May mga sariling make-up stuff daw ba siya? Anong brand daw ang ginagamit niya? Inaalam niya ang lahat!

“E, napakaliit lang naman ng mundo, lalo na ng istasyong pinagtatrabahuhan nilang dalawa, kaya nakararating sa kanya ang mga pamimintas ni Female Personality B sa kanya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Pero naloka si Female Personality A nu’ng pagharapin na sila ng management ng network dahil gagawin na nga nila nang magkasama ang isang programa.

“Malapit nang mahulog sa kinauupuan niya si Female Personality A dahil kabaligtaran ang mga sinasabi sa kanya ng kaharap niya. Pinupuri pa siya!

“Malapit na siyang malukring dahil ang bungad sa kanya ng girl, “I like your outfit, I always watch you, who’s doing it? Saka ang make-up mo, nice!”

“Gusto na niyang supalpalin ang kaharap niya, pero nagtimpi lang siya, dahil kasama nila sa table ang mga executives ng network! Naloka siya dahil ginagawa pang liar ng girl ang mga nagkukuwento sa kanya kung paano siya pintas-pintasan ng babaeng ‘yun!” natatawa na lang na sabi pa ng a­ming impormante.

Kaya naman pala! Kaya pala tahimik lang si Female Personality A sa mga kuda ngayon ni Female Personality B. Sanay na sanay na siya!

Kris sumawsaw sa Joshua, Julia affair

GUMILING na ang mga camera para sa pagbabalik pelikula ni Kris Aquino kasama ang loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Pero kauumpisa pa lang nila ay marami nang namba-bash sa aktres-TV host dahil sa mga pinagsasasabi niya tungkol kay Joshua.

Sabi ng isang tagaha­nga ng magaling na aktor, “Talk show ba ang pinagsasamahan nila? E, bakit may mga patagilid na namang comment si Kris kay Joshua? Kesyo kailangan daw mag-behave ni Joshu­a para maging happy na si Julia.

“Siya ang dapat mag-behave, hindi si Joshua, kaaga-aga niyang nanghihimasok sa private life ng da­lawa, e, wala naman siyang alam sa mga nangyayari.

“Dahil nakatira na siya sa harap ng gadget niya, e, sa social media lang naman niya nababasa ang info! Magtigil siya, sobra-sobra ang ginagawa niyang panggagamit ngayon kay Joshua!

“Kesyo gusto na raw niyang i-adopt si Joshua, nakakaawa raw naman kasi, dahil lumaki siyang walang kasamang ina. Naku, may sarili na siyang Joshua, ‘yun na lang ang mahalin niya, huwag na niyang pakialaman pa si Joshua Garcia!” himutok ng fan ng aktor.

Binabantayan talaga ng publiko ang mga ginagawa at sinasabi ngayon ni Kris Aquino, maganda man ang kanyang hangarin ay nega pa rin ang dating niya, kailangan niyang maligo sa pulot para may makita namang positibo sa kanyang mga sinasabi ang publiko.