Female personality siniraan ang negosyante

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nakakalimutan ng isang kababayan nating negosyante ang matinding sama ng loob na ibinigay sa kanya ng isang pamosong female personality.

Sa kagustuhan ng businesswoman na makatulong sa female personality dahil sa kawalan niya ng trabaho ay namuhunan ang negosyante. Mil-yon ang ginastos nito sa kanilang proyekto.

Kuwento ng aming source, “Walang-wala sa hinagap niya na baba-ligtarin pala siya ng babaeng ang tanging kasalanan lang namang nagawa niya, e, ang makatulong.

“Wala siyang alam sa pinasok niyang negosyo, pero sige na rin, para lang magkaroon ng project ang female personality na ipinakilala sa kanya ng isang kaibigan.

“Lahat ng kapritso ng female personality, e, ibi-nigay niya, kahit ang mga kaartehan ng girl na wala naman sa kanilang usapan, e, ibinigay pa rin ng businesswoman,” unang kuwento ng aming source.

Pero biglang nabaligtad ang kuwento. Ang negosyante pa ang siniraan ng female personality. Ginamit lang daw siya ng busineswoman para sa pangsariling kapakanan nito.

Balik-kuwento ng a-ming impormante, “Grabe ‘yun! Nawindang ang businesswoman sa mga pinagsasabi ng female personality. Siya na nga naman ang nawalan nang milyones para sa project, e, siya pa ang pinalabas na sinungaling ng girl!

“Naku, binura na niya sa buhay niya ang babaeng ‘yun! Lahat ng sinasabi ng girl, e, hindi na niya pinaniniwalaan. Wala nang credibility sa kanya ang female personality na tinulungan na nga niya, e, siya pa ang pinalabas na masama!

“At heto pa. Isang araw, e, nakatanggap siya ng text mula sa girl. Nagso-sorry sa kanya, maraming kuda ang girl na ang rason lang naman, e, humihingi siya ng sorry sa sinaktan niyang businesswoman!

“Ganu’n pala siya talaga! Kukuda siya nang kukuda, pagkatapos, e, hihingi siya ng sorry. Ganu’n lang kasimple, hihingi lang siya ng paumanhin pagkatapos niyang manira!” pagtatapos ng aming source.
***

Willie nag-aaral maging piloto

May bagong ma-kabuluhang pangarap na pinagkakaabalahan ngayon si Willie Revillame. Siguradong ikaliligaya ng kanyang mga tagasuporta ang pinagtutuunan niya ng mahalagang panahon ngayon.

Hindi kailanman pinababayaan ni Willie ang kanyang game show, napakapropesyonal niya, marami siyang pinahahanga bilang host ng Wowowin.

Pero may pinaglalaanan siya ng panahon ngayon, ang pagpipiloto, nakapagpapalipad na ng eroplano ang sikat na aktor-TV host.

Mahaba-haba na rin ang panahong ginugugol niya sa pag-aaral magpa-lipad, ‘yun ang kanyang tinututukan ngayon bukod sa Wowowin, balak niyang bumili ng 6-seater private plane para mapakinaba-ngan ang kanyang pinag-aralan.

kuwento si Willie tungkol sa kanyang kabataan, kapag nasa bukid daw sila ng kanyang mga kalaro at nagpapalipad ng saranggola ay kinakaway-kawa-yan nila ang dumadaang eroplano, “Nandito kami!”

Mahilig din silang magpaanod ng bangkang papel sa gilid ng kalsada basta may tubig.

Ang mumunting pangarap ni Willie Revillame ay nagkaroon ng katuparan. Meron na siyang nabiling commercial plane na ginagamit nila ng kanyang staff sa pangingibang-bansa.

Meron na rin siyang yate na madalas niyang gamitin sa pagpunta sa kanyang nabiling resort sa Mindoro. Wala nga namang masama sa pangangarap lalo na kung kinakambalan ‘yun ng pagsisipag at paglaban nang parehas ng nangangarap.

Maligaya kami para kay Willie Revillame, ang sikat na personalidad na astang-mayabang lang, pero ginto ang puso.