MAY isang aktres palang totoong kinaiinsekyuran ang isang kontrobersiyal na female personality. Talagang sobra ang pagka-insecure niya sa matalino na ay maganda pang female personality.
Kapag ang pangalan daw ng aktres ang naririnig ng insekuridang aktres ay agad na siyang sisimangot, masama sa kanyang pandinig ang pangalan ng maganda at matalinong aktres, hindi ‘yun musika sa magkabila niyang tenga.
Kuwento ng isang impormante, “Hindi siya nai-insecure du’n sa palagi niyang kinokontrang female pesonality, iniinis lang niya ‘yun, du’n siya talaga naaapektuhan sa matalino at magandang aktres,” komento ng source.
Dati silang magkasama sa isang sumikat na programa, co-hosts sila du’n, maayos pa ang kanilang relasyon nu’n ng aktres.
Balik-kuwento ng impormante, “Kaso, nagkaroon sila ng gap, may mga nakarating kasi sa magandang aktres na sa talikuran, e, sinisiraan siya ng kontrobersiyal na aktres!
“Maraming nagkuwento sa kanya na ganu’n ang ginagawa sa kanya ng dati niyang kaibigang female personality, kaya kapag nagtatagpo sila sa mga okasyon, e, hindi na niya binabati ang girl dahil napapaplastikan siya!
“Bakit naman kasi hindi mai-insecure sa kanya ang girl, e, napakaganda pa rin niya hanggang ngayon? Walang tulong ng siyensiya ang beauty niya, hindi tulad nu’ng isa na pati yata kuko niya, nabago na niya sa salamat po, doktor!
“Saka pinakasalan siya ng boyfriend niya, hindi siya escabeche, maganda ang relasyon nilang mag-asawa, happy family sila!
“E, ‘yung girl? Habampanahon na lang syang umaasang pakakasalan siya ng boyfriend-ka-live-in niya, pero no way, highway pa rin siya hanggang ngayon!
“Umaasa siyang maihaharap pa rin siya sa altar, pero hindi naman nangyayari, kaya ayan, hindi niya mabili-bili ang happiness na hinahanap niya kahit pa madatung na siya!
“Hanggang sa umasa na lang ang drama niya, sa totoo lang, hanggang sa pagpapalipat-lipat na lang siya ng karelasyon, sa true lang!” pagtatapos ng aming impormante.
Gretchen bumabawi sa pagkukulang sa ina
SA halip na mainis ay masaya kami kapag nakikita naming magkasama sina Gretchen Barretto at Mommy Inday. Nakakalungkot nga, kinailangan pang may pumanaw, para lang sila magkasundo.
Tatlong dekada halos na hindi naging maganda ang samahan ng mag-ina. Kung ano ang matinding ikinagagalit ni Gretchen kay Mommy Inday ay hindi malinaw.
Si Claudine pa nga ang nagkukuwento nu’n na dumarating ang kaarawan ni Mommy Inday, nagpa-Pasko, pero kahit card lang ay hindi nakakaalalang magpadala ni Gretchen sa kanilang mga magulang.
Kaya masaya kami kapag magkasama sina Mommy Inday at Gretchen, bumabawi ang aktres sa kanyang mga pagkukulang, maraming-maraming kailangang bawiin at punuan si Gretchen sa mga panahong magkalayo silang mag-ina.
Panahon na talaga para bumawi si Gretchen, hindi na bumabata ang kanyang ina, nagkakasakit na rin ito at sobrang lungkot ngayon dahil sa pagkawala ng kanilang ama.
May mga nagdududa na kaya lang ginagawa ni Gretchen ang pakikipaglapit sa kanyang ina para pasakitan si Marjorie na kaaway niya.
Hindi naman kasi maiaalis ang ganu’ng paghusga, para kasing pinag-aagawan nilang magkakapatid ang presensiya ni Mommy Inday, nagagamit tuloy ang matanda nang walang kaalam-alam.
Anuman ang sabihin ng iba ay isang bagay lang ang mahalaga, Nagkasundo na ang mag-ina mula sa ilang dekada nilang away, nagkakasama na sila palagi ngayon, hindi tulad nu’n na kahit mga anino lang nila ay hindi nagkikita sa isang lugar.