Female singer dinedma ang sexy actress

Abante-Tonite-singer

Ni Boy Romero

Nakatira sa isang subdivision ang sexy actress turned beauty queen at isang singer. Posibleng ‘di sila ganu’n kadalas magkita dahil may kanya-kanya silang mga lakad.

Pero imposible silang ‘di magkita dahil pagpasok ng sexy actress sa entrance ng subdivision, dadaanan niya ang bahay ng singer.

Paglabas naman ng singer, madadaanan nito ang house ng sexy actress.

Sabi ng sexy actress, nagkikita sila ng female singer, pero ‘di raw niya alam kung bakit siya iniisnab nito. Para raw hanging dumadaan lang ito sa OPM na singer. Hindi raw niya alam kung bakit. Wala naman daw siyang time para tanungin pa ito.

“I know my worth,” mataray na sabi ng sexy actress.