Female singer napolitika sa musical show

Hindi lang ipinahahalata ng isang magaling na female singer ang kanyang nararamdaman pero alam ng malalapit sa kanya kung ano ang tunay niyang emosyon sa pagkawala niya sa isang programa.

“Magaling lang siyang magdala, kilala n’yo naman ang singer na ‘yun, hindi siya nagpapaapekto sa mga nangyayaring hindi maganda sa career niya.

“Kapag kinuha ang serbisyo niya, parang milyon ang talent fee niya, bigay na bigay siya, walang ma-laki at maliit lang na show para sa kanya,” kuwento ng isang source.

Nawala siya sa isang musical show na matagal na niyang pinagkakaabalahan.

Paminsan-minsan lang siyang nandu’n, on call lang ang posisyon niya, kapag kailangan lang siya.

“Naku, kasalanan ba niya kung magkatunog ang boses niya at nu’ng kinuhang bago sa show? E, sa ‘yun naman talaga ang timbre ng boses niya, di ba?

“Naku, tantanan na ang mga ganu’ng drama, may pulitika talaga sa show na ‘yun, kaya pasensiya lang ang female singer kung natalo siya sa pilian!” sabi na lang ng aming impormante.

Dyowa ni Aiko pinakain ng alikabok ang kalaban

Nawalan ng saysay ang mga paninira ng katunggali ng boyfriend ni Aiko Melende­z sa pagka-vice governor ng Zambales na si Jay Khonghun. Pinakain nito ng alikabok ang babaeng pulitiko na kailan lang ay sinampahan ng kasong cyber libel ng aktres.

Nakakaawa ang numero ng kalaban ng bagong vice-governor, literal itong inilub-lob sa putikan ng boyfriend ni Aiko, hindi umepekto sa mga botante ng Zambales ang mga paninira nito na isinangkot pa ang aktres sa kanyang mga bira.

Sigaw ng tagumpay ang bitbit ngayon ni Aiko Melende­z na talagang nakipagpatayan nang husto para sa tagumpay ni Vice-Governor elect Jay K­onghun.

Olat na ang kanilang kalaban ay meron pang kasong dapat harapin ngayon.

Coco ‘di politician maker

Sa mga artista ng seryeng Ang Probins­yano na lumahok nu’ng nakaraang halalan ay dalawa lang ang nakalusot. Si Senador Lito Lapid at si Jhong Hilario na numero unong konsehal sa kanyang distrito sa Makati.

Hindi pinalad na magwagi sina Edu Manzano, Rommel Padilla, Roderick Paulate, Mark Lapid at Long Mejia.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Hindi rin nakatulong sa kanila ang exposure sa Ang Probinsyano. Kung totoong politician maker si Coco Martin, e, di sana, nanalo ang lahat ng mga lumabas sa serye niya!”

Enrico sinarili ang sama ng loob kay Ipe

Napakalaking insulto naman kay Phillip Salvador ang pana-nalo nang landslide ni Mayo­r Enrico Roque ng Pandi, Bulacan. Ang kanyang kalaban ang inakya-tang entablado ng action star sa baluktot nitong katwiran na ‘yun daw ang gusto ni SAP Bong Go.

Milya-milya ang kalamangan ni Mayor Enrico Roque sa piniling suporta-han ng kanyang kaibigang karnal na si Phillip.
Katwiran ni Phillip ay hindi raw naman nito isinigaw ang pangalan ng kalaban ni Mayor Enrico, sinunod lang daw nito ang gusto ni SAP Bong Go, pero teka lang naman muna.

Kaninong entablado ba ang kanyang inak-yatan? At ang pagpaparetrato ni Philli­p Salvador sa mga kaalyado ng ka­laban ni Mayor Enrico Roque na nakataas pa ang mga kamay, ano ang malinaw na sinasabi nu’n, di ba’t pagtalikod sa ka­ni­lang pagka­ka­ibi­gan?

Na­­­na­lo ring governor ng Bulacan si Daniel Fernando, ang nagpakain ng alikabok sa kanya nu’ng nakaraang eleksiyon, maihulog pa kaya ni Ipe ngayon sa entablado ang bagong gobernador ng Bulacan?

Isang araw nga lang ang eleksiyon, may katotohanan ‘yun, pero ang tunay na pagkakaibigan ay inaalagaan at pinananatiling buhay.

Maganda ang puso ni Mayor Enrico Roque, sinarili lang niya ang sama ng loob sa ginawa sa kanya ni Phillip Salavador, pero dumating man ang pagkakataon na muli silang magkita ay siguradong hindi na tulad nang dati ang magi­ging samahan nila.

Ang pagkakaibigang napunit na, tagpian man at sulsihan, ay punit pa rin.