Female singer sinisiraan ng sariling ina

Abante-Tonite-singer

tonite-no-thanks-cristy-ferminMay naalalang kuwento ang mga balikbayan na­ming kaibigan tungkol sa isang female personality na nagkaroon ng napakagandang oportunidad na makilala sa buong mundo.

Hinayang na hinayang ang grupo kung bakit nauwi sa wala ang pagkakataong ‘yun samantalang kinabog ng female personality ang lahat ng kanyang mga kakontemporaryo.

“Nakasabay namin siya sa flight nu’ng minsan. Natural, very eager kaming makapagpa-picture sa kanya sa airport pa lang, kasi nga, hindi naman simple ang popularity niya.

“Pero nu’ng makita kami at ang iba pang magpapa-picture ng mommy niya, e, sinuotan siya ng jacket na may hoody. Nag-pretend siyang antok na antok ang anak niya, samantalang dilat na dilat ang mga mata.

“Nu’ng nasa plane na kami, natural, naghihintay pa rin kami ng chance na makapag-picture kay ____(pangalan ng sikat na female personality). Pero wala talaga. Bantay-sarado siya ng mommy niya,” umpisang kuwento ng aming source.

Naalala ‘yun ng grupo dahil sa nagaganap na matinding away ngayon sa pagitan ng mag-ina. Nagbabatuhan sila nang masasakit na salita, sinisiraan ng ina ang kanyang anak, kulang na lang na saktan nito nang harapan ang female personality.

“Nakakaloka! Dati, e, inilalayo pa niya sa mga tao ang anak niya dahil baka raw masaktan, tapos ngayon, e, siya pa mismo ang nananakit sa anak niya!

“Anyare sa kanilang mag-ina? Bakit kasi hindi na lang sila mag-usap nang masinsinan, para maiayos nila ang mga problema? Bakit kailangang sa social media pa sila magraratratan, e, alam naman nila ang address ng isa’t isa?” komento ng aming kausap.

Marami nang nagbago, kahit nga ang kasarian ng hinangaan nilang batang singer nu’n ay iba na ngayon, di ba naman?

***

Kris, Jinkee tinraydor

Parehong may ma­tinding dinadala ngayon sina Kris Aquino at Jinkee Pacquiao. Pareho silang pinagnakawan ng mga taong pinagkatiwalaan nila nang isandaang porsiyento.

Si Kris ay pinagnakawan nang milyones ng kanyang staff, si Jinkee naman ay ninakawan ng pera at mga alahas ng kanyang PA, hindi ang halagang nawala sa kanila ang iniinda ng mayayamang personalidad kundi ang betrayal of trust.

Tinraydor sila ng mga taong binigyan nila ng pagtitiwala. Pinakahuling taong iniisip nila na sisira sa kanilang tiwala ang mga taong gumawa sa kanila ng pangtatraydor.

Mahirap ding maging mayaman. Sa dami ng kanilang pera ay nagi­ging kampante na sila. Huli na kapag nadiskubre nila na ang pinaghirapan pala nilang halaga ay lumipad na.

Kahit sa panaginip ay hindi inisip ni Kris na ang taong nakakaalam ng pasok at labas ng perang pinaghihirapan niya pa pala ang gagawa sa kanya ng ganu’n.

Si Jinkee naman, itinu­ring na nitong miyembro ng kanilang pamilya ang kanyang PA, isinasama nito sa mga lakad at ipinagsa-shopping pa pero ito pa pala ang magnanakaw sa kanya.

Mga abogado na ni Kris Aquino ang nag-aasikaso sa kanyang problema, bumagsak ang kanyang timbang nang dahil du’n, si Jinkee naman ay pinauwi na lang sa GenSan ang nagkasala sa kanya at hindi na ito nagdemanda.

Sa kaso ni Kris ay hindi puwedeng sorry na lang ang kanyang matatanggap. Kikitain pa niya ang milyones na halaga ng ninakaw sa kanya pero ang pagkasira ng tiwala niya sa taong ‘yun ay walang katumbas na kahit magkano.

Mabuti na ring sa mas maagang panahon ay natuklasan na ni Kris ang mga nawawala sa kanya, hindi pa ubos ang kanyang kaban, pero kuma­kalog-kalog na dahil sa laki ng nawalang halaga.