Medyo matagal na siya sa showbizlandia. Super-sing siya to the highest note kaya nakilala siya kahit paano ng madlang utaw sa Philippine area of responsibility.
Naging regular siya ng isang musical variety show. Nakipagbasagan ng ngala-ngala sa mga bumibirit ding singer. Pero hanggang doon lang…
Kapag naghubad na si ate ng makintab na gown at make-up, ang peg niya eh isang pangkaraniwang babae na rumarampa sa mall at naghahanap ng sale.
Nakapagteleserye na si ate pero hindi tumatak sa mga manonood kung sino ba siya talaga.
Nawala siya na parang bula at muling bumalik. Dito na siya nakilala nang konti at panalo siya sa jowa.
Sa isang special event, tampok si ate sa production number kung saan makakasama niya ang ilang magagaling na singer.
Magre-rehearse na sila with the band. Nandoon na ang 5 other singers at si ate na lang ang hinihintay.
Hanggang dumating sa venue ang isang babaeng may dalang backpack at naka-cap.
Nakita siya ng production assistant na naghihintay.
Sinipat-sipat ni production assistant ang babaeng naka-cap sabay sabi, “Ikaw ba ‘yung alalay ni … (name ni singer/host)? Siya na lang kasi ang hinihintay, eh!”
Natigalgal si girl na naka-cap sabay sabing, “Ako po si… (name ni singer/host)!”
Napahiya si P.A., abut-abot ang pagso-sorry at niyaya na si ate sa rehearsal studio.