Female star, eklayera sa yoga

premyadong-aktres

MUKHANG hindi ‘cut’ for showbiz ang female star na ito kahit maraming nagsa­sabing magaling siyang umarte katulad ng kanyang beautiful mom na isang prem­yadong aktres.

Kapag may showbiz work kasi si female star, hindi niya type ‘yung mas­yadong late natatapos sa mga trabahong ‘yon.

Lalong ayaw na ayaw niyang inuumaga sa set.

Pero hindi niya idinadahilan na ayaw niyang mapuyat dahil ang concern palagi ni female star ay paano na siya makakapag-workout o yoga the next day kung uumagahin siya sa trabaho.

Kapag sobrang late na, kinukulit-kulit na ni female star ang kanyang handler.

Paano na ang workout or yoga niya, na ikinaloloka ng taong madalas niyang kulitin kapag sobra na siyang nabababad sa set.

Minsan, type na lang sabihan ng handler si female star na huwag na silang tumanggap ng trabaho at mag-concentrate na lang ang hitad sa workout at yoga!

Unlike the female star, ang beautiful mom niya eh mas enjoy kapag may showbiz work.

Hindi basta-basta ang talent fees nila sa pagiging mga artista, huh?!