GANDARA ang female TV host/news anchor. May tindig. May aura.
Kaya hindi kataka-taka na plenty ang suitors niya.

Ang siste, bumagsak ang ganda ni ate sa isang lalaking nga­nga na, Chaka Khan pa!
Shocking Asia ang friends niya. Bakit sa cuatro cantos ang fez na lalake siya na in-lovey?

My business si lalaki. Pero parang sakit ng tiyan kung ito’y kumita. Madalas, nganga.
Kaya si female anchor, super kayod mula umaga hnggang gabi. Kapag suweldo na, kinakaladkad ni dyowang chararat si ate sa casino.

Si gaga naman, sunud-sunuran.
Pakiwari ng isang badiklang katrabaho niya, bumabawi sa kama si dyowa na mukhang orc sa Warcraft.

Na-imagine ni Vadinger-Z na kinakain-kain ni Chuckie ang chicharong bulaklak ni female anchor…
Sa katatapos na basketball tournament sa MOA, superhingi ng tickets si ate sa company nila.

Ang eklay ni ate, pam-PR.
Pero ang totoo, silang magdyowa ang nanood.

Ilang araw ang basketball tournament. La­ging present sina ate at kuya. At VIP seats, ha?!
Noong last game, humirit ang badidang ng isang tiket. Ang kiyeme latik ni ate, waley.

Pati raw silang magdyowa, hindi pa nakakapanood kimberly chururut.
Inuuna raw ni ate ang mga pini-PR niya para sa economy ng company.

Naawa ang la­ngit kay baklush. May nagbigay sa kanya ng VIP ticket sa inaaba­ngang last game.

At ‘yun na… na-sight ni bading ang magdyowa na prenteng nakaupo sa VIP seats.
Tinilian ni bading si ate na naka-cap pa.

Dedma sina ate at kuya sabay lipat ng upuan na malayo kay bading.

Kinabukasan, ichi­nismis na ni bading sa mga katrabaho nila na hindi ipi­namimigay ni female anchor ang tikets sa mga sinasabi nitong pini-PR, kundi ginagamit mismo nito.