ANG female TV host na naging aktres din noon, hindi kinagat ng mga aso. Este, utaw pla.
Tumagal kahit paano ang pagiging TV host niya.

During that time, marami nang galit sa kanya dahil sa kahihingi niya ng mga give away at super na binabalot ang foods sa set. Lagi rin niyang pinapansin at kinu-question kung bakit mas maraming lines sa script ang mga co-host niya kesa sa kanya.

Bakit? Bakit? Bakit?
Hanggang sa na-lost in space siya sa show.

Pero dahil machika siya, ipinagpilitan niya sa isang produ na isama siya sa show na pinoprodyus nito.

Umokey naman ang mga humahawak ng show.

Siya itong nagprisinta, pero ang dami niyang demands! Dapat, hatid-sundo siya ng service.
Dapat, siya lang ang sakay.

Na-shock ang driver nang una siyang sunduin. May tatlo palang kotse si TV host presentacion romero.
Ayaw lang gamitin.

Ang nakakaloka pa, gamit-gamit ni TV host ang service pati sa mga miting niya na walang kinalaman sa TV show.

Nakarating ang mga bagay-bagay na ito sa kinauukulan.

Kaya ang pasya ng kataas-taasan at kagalang-gala­ngang komite, huwag nang ipagamit ang service kay host. ATM (at this moment), wala nang TV show si TV perso­nality.

Super gora na lang siya sa celebrity events.