Kamakailan, pumanaw ang aktor na si Brian Tarantina (60) na sumikat sa kanyang pagganap sa “The Marvelous Mrs. Maisel”. Ang itinuturong dahilan ng kanyang pagkamatay ay ang acute intoxication dahil sa sabay-sabay na paggamit ng fentanyl, heroin, cocaine at Diazepam o Valium.

Natagpuan ang kanyang bangkay sa Manhattan apartment. Dito rin nadiskubre ang puting substance na naging sanhi ng overdose.

Marami ang nababahala sa talamak na paggamit ng droga ng ilan sa mga Hollywood star. Dumarami na kasi ang mga artista na namamatay dahil sa drug overdose.

Ang Fentanyl ang maituturing na pinaka-delikadong droga na siya ring kumitil sa buhay ng mga sikat na personalidad gaya nina Prince, Tom Petty, Mac Miller, Tyler Skaggs at Lil Peep. (Ronaline Avecilla)