Tutulak ngayong araw patungong Batanes ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mamahagi ng relief at tulong sa mga apektado ng bagyong Ferdie.

Ayon sa DSWD hinihintay na lamang nila ang clearance mula sa Philippine Air Force para agad nang ma-airlift ang mga relief goods.

“Upon confirmation by the Philippine Air Force and weather permitting, relief aid for families affected by typhoon Ferdie will be airlifted via C130 tomorrow to Batanes,” ayon sa DSWD.

Sa talaan ng ahensya ay nasa 2,710 pamilya o 10,344 katao ang apektado ng bagyo, nasa 151 katao ang nasa 3 evacuation centers sa Basco, Batanes at 10,063 indibidwal naman ang sumilong pansamantala sa kanilang mga kaanak.

“Pending the arrival of the shipment, DSWD-Field Office II has provided initial assistance to affected families in Basco, Ivana and Uyugan in Batanes,” ayon pa sa DSWD.