Ferrer gigil nang ialpas ang angas

Nakaka-recover na si Kevin Ferrer, inaasahang magpapaangas pa sa wings ng NorthPort sa papasok na 45th season ng PBA.

Dumating sa Batang Pier si Ferrer, kasama sina Jervy Cruz at Sol Mercado, noong June mula Ginebra sa Stanley Pringle trade.

Inabot ng foot injury si Ferrer sa playoffs ng Governors Cup at hindi na nakalaro sa ­semifinals ng ­season-ending ­conference. Sa ­unang pagkakataon ay ­umabot sa final four ang ­NorthPort matapos ­lusawin ang twice-to-beat edge ng top seed NLEX sa quarters.

May mahuhugot na si coach Pido Jarencio pansahog kina Christian Standhardinger at Sean Anthony sa frontline.

Naglaro sina Ferrer at Cruz kay Jarencio noon sa UST. (Vladi Eduarte)