Isang fetus na isinilid sa isang galon ng ice cream container ang natagpuang binasura sa Barangay Candau-ay, Dumaguete City, Biyernes ng umaga.
Ang nasabing fetus na lalaki na nasa 6-7 buwan ay natagpuan ng isang basurero ganap na alas-6:30 ng umaga.
Sa ngayon ay itinurn-over sa City Health Office ang fetus para sa pagpapalibing.