Fetus tinago sa kahon ng sapatos

Inilagay sa loob ng kulay itim na kahon ng sapatos at saka itinapon sa basurahan ang isang fetus na nadiskubre ng isang kolektor ng basura, kamakalawa nang hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay PO2 John Raul Rojo, dakong ala-1:20 nang hapon nang madiskubre ang fetus na tinatayang nasa 4-6 na buwan na inilagay sa isang plastik, isiniksik sa kahon at saka itinapon sa bunton ng mga basura sa tapat ng isang gusali sa may 1430 Oroqueta St., Sta.Cruz, Maynila.

Nalaman kay Barangay Chairman Richmond Ong, ng Brgy. 320 na pinaghihiwalay na umano ng kolektor ng basura ang mga nakuhang kalakal nang makita ang fetus.

Sariwa pa umano ang dugo sa fetus kaya hinalang kalalaglag lamang nito sa sinapupunan ng ina. (Juliet de Loza-Cudia)