FIBA may kampanya na pampalakas-loob

Inihayag ng FIBA mula sa opisina sa Mies, Switzerland ang paglulunsad ng digital campaign para sa mga positibong mensahe ng pag-asa sa harap nang mapanghamong panahong hatid ng ng coronavirus disease 2019.

Simula kalagitnaan ng Marso hindi na nakanood ang basketball community ng mga live sports action dulot ng global outbreak .

Bilang paghahanda sa pagbabalik ng sport, inilunsad ang #FIrstBAsket, isang digital campaign para mapag-isa ang basketball community at maghatid ng mga positibong mensahe sa inaasam na araw na pagbabalik sa aksiyon ng sport.

Ang #FIrstBAsket ay binubuo ng serye ng video, photo at mini-interview sa basketball at 3×3 basketball stars, coaches, fans, officials at ibang sangkot sa laro. Inaasahang magbibigay excitement ito sa pagbabalik ng mga laro na may katanungang, “What will be your #FIrstBAsket?

Ang FIBA social media accounts na kinilala kamakailan muling top-3 sa international sports federations ang magbabalik ng laro at magbabahagi ng aksiyon mula sa ensayo hanggang labanan sa mundo para sa pagdiriwang pagbalik ng sport.

Umani agad ng pansin to mula kay @DomGentil : “That back to the park feeling.”

Inihayag din ng FIBA3x3 @FIBA3x3 na “Share the story of your #FIrstBAsket back on your local playground and mention @FIBA3x3 to win a 3×3 @wilsonbasketball.”

“Over the past months, the COVID-19 pandemic has changed our daily lives and has caused major disruptions in international sport, including basketball. As the world slowly starts taking steps in restoring various activities, the basketball family is eagerly awaiting the return of our game. In these challenging times, the #FIrstBAsket digital campaign promotes our passion and love of the game, inviting everyone to share their perfect #FIrstBAsket upon return to action,” lianya ni FIBA Secretary General Andreas Zagklis ng Greece.

Ibabahagi ang #FIrstBAsket campaign sa FIBA social media channels at iniengganyo ang basketball community kabilang ang national federations, leagues, clubs, players, officials, fans na mag-contribute sa adhikain at “message of hope” sa pag-post at pag-share sa kanilang #FIrstBAsket moments. (Lito Oredo)