Dinagit ng Adamson University ang panlimang sunod na panalo nang ikadena ang National University Bulldogs 78-72 sa FilOil Flying V Preseason Tournament sa The Arena sa San Juan.

Kumana si Jerrick Ahanmisi ng 16 points at six rebounds para sa mga taga-San Marcelino na hindi pa nababangasan sa limang salang.

Samantala, inako ni Gab Dagangon ang opensa sa homestretch para ihatid ang Perpetual Help sa manipis na 87-86 overtime win laban sa Letran kahapon.

Umiskor si ­Dagangon ng 26 points kasama ang go-ahead jumper 7.2 seconds na lang sa orasan.

May tsansa sanang tuhugin ng Knights ang unang panalo sa apat na subok pero nagkumahog si Jerrick Balanza sa final possession kaya naitakas ng Altas ang panalo.

Bumakas si GJ ­Ylagan ng 17 puntos habang may 11 si AJ Coronel para sa Perpetual na sinungkit ang unang panalo sa dalawang salang.

Namuno sa ­opensa ng Letran si Bong Quinto sa itinalang 18 markers, eight ­assists at six rebounds.