Sinalansan ng San Beda ang mali­nis na limang panalo matapos sakmalin ang University of Santo Tomas 86-59 kahapon sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup sa San Juan.

Kahit walang Red Lions ang umabot sa 10 ang iskor, nakuha pa rin nilang kalusin ang Growling Tigers at ipalasap sa mga taga-Espana ang pang-anim na talo sa pitong salang.

Nirehistro ni Javee Mocon ang nine points, four rebounds at three steals, may eight points si Arnaud Noah para sa San Beda na malayo na sa halftime 44-21 kaya nagawang ipasok lahat ni coach Boyet Fernandez ang kanyang 20 players.

Nag-ambag din sina San Beda slotman Ben Adamos at Robert Bolick ng tig-seven points.
Nagtala si Jeepy Faundo ng 14 markers at seven rebounds para sa Tigers.