Fil-Am atras sa World 1-on-1 Finals

Makaraan ang pa­nalo sa King of the Rock 1-on-1 basketball national finals noong Marso sa Maynila, umatras si Fil-Am Robbie Herndon bilang kinatawan ng Pilipinas sa world finals sa huling bahagi ng taon sa Serbia.

Pagkatapos ng quali­fiers sa Cebu, Caloocan at Quezon at nakapasok ang top 24 players sa single-elimination rounds, nagtuos sina Herndon at two-time PBA MVP Willie Miller sa finals kung saan nasilat ng Fil-Am si Miller.

Dating NCAA Division II player ng San Francisco State University, desidido sa Herndon na itu­loy ang playing career sa PBA.

Tiwala ang 22 years old player na sapat na ang skills at training niya para magbakasakali sa PBA Draft ngayong taon.

Si Miller, nine-time PBA all-star at 14 years pro veteran, ang ipina­lit kay Herndon sa Serbia tourney.