Fil-Am Cray ready to race na sa Rio

Idi-display ni Fil-Am Eric Shauwn Cray ang tikas sa Lunes sa pagsalang sa Olympics athletics men’s 400-meter hurdles preliminary round sa Maracana Stadium sa Rio de Janeiro.

Nagpahayag noong Sabado ng kahandaan ang two-time Southeast Asian Games gold medalist at record holder para katawanin ang Pilipinas sa pinakamalaking palaro sa buong mundo.

“I’m feeling good and I’m ready to race,” lahad ng 27-year-old, Olongapo City born sa Filipina mother at American father pero lumaki sa Texas.

May best time si Cray na 48.98 seconds noong Hunyo sa Madrid at dumating sa Rio sa opening ceremony noon pang Agosto 5. Ginugugol niya ang bawat araw na mapa­natili ang kondisyon.

Kung mag-qualify, arangkada agad siya kinabukasan sa semifinals. Sa Huwebes ang finals.
Maaaring mapantayan o mahigitan pa ni Cray ang tiyempo niya.

Sa 2012 London Olympics, itinakbo ni Felix Sanchez ng Dominican Republic ang gold sa 47.63, kabuntot sina Michael Tinsley ng United States (47.91) at Javier Culson ng Puerto Rico (48.10).

May clocking na under-49 ticks ang fourth-sixth places sa London, na maaaring maabot ni Cray kung makakadikit siya sa kanyang personal best.

“That’s the goal — make it through the rounds and make it to the finals. The goal is to get out of the preliminaries and make it to the semis,” sambit ni Cray.