Patay ang isang Fili­pino-Chinese na lalaki habang nasa kritikal na kondisyon ang kasamahan nito matapos na pagbabarilin ng nag-iisang suspek habang nagla­lakad sa gilid ng kalsada kahapon nang umaga sa Bayambang, Pangasinan.

Kinilala ng Bayambang Municipal Police Station (BMPS) ang namatay na si Levin N. Uy, nasa tamang edad, ng nasabing bayan.

Samantala, under observation ngayon sa ospital si Cesar Salosagco, kaibigan ni Uy.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas-7:05 nang umaga sa nasabing ba­yan.

Ayon sa BMPS, nagla­lakad ang dalawang biktima kasama ang isang babae nang may lumapit na hindi pa nakikilang la­laki na bumunot ng baril, at pinatamaan sina Uy at Salosagco.

Napuruhan si Uy na ikinamatay nito bago dumating sa pagamutan habang si Salosagco ay ginagamot ng mga doktor.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang BMPS para sa pagkakakilanlan ng gunman at malaman ang motibo nito sa pamamaril.