Napag-usapan natin­ kamakailan ang need na magkaroon ng financial­ literacy ang mga OFWs­ kaugnay ng planong pagtatayo ng OFW Bank at datos na walo sa bawat sampung OFWs ay walang savings.

Pero hindi usapang pera lang ang financial lite­racy para sa OFWs dahil kaakibat din niyan ang Filipino traits, values at mindset.

It’s not just a matter of teaching OFWs to save and invest, but also how to affect a paradigm shift to make OFWs financially independent.

Actually, mas tama siguro sabihin na kailangang maging financially independent ang OFW family members at relatives nang hindi nagmimistulang milking cows ang OFWs.

Extended families in a nutshell, kailangang maka­bitaw ang OFWs sa ilang mindset na contributory kung bakit isa lang sa bawat sampung OFWs ang nagkakaroon ng savings na magagamit sa pagreretiro.

Ilan sa mindset na kailangang palitan ay ang tendency ng migrant workers na suportahan hindi lang ang kani-kanilang pamil­ya kundi ang tinatawag na extended families.

Unique sa Filipino iyan eh – ‘yung pati problema ng mga kapatid, pinsan at maging malayong kamag-anak ay pinoproblema rin ng lahat. Takbuhan ng angkan. In the case of OFWs, nagiging takbuhan sila ng buong angkan kapag may babayarang tuition, naputol na serbisyo ng kuryente, may naospital, etc., etc.

Kahit wala ng pera para sa sariling pamilya ay napipilitan ang OFWs na isuka ang kaunting naitabing pera ‘pag may ‘nanghiram’ na kamag-anak. Hindi makatanggi sa nangungutang ang marami sa OFWs sa takot na masabing naghihirap na o kaya ay sumama ang loob ng ‘nanghihiram’ na in most cases ay wala nang bayaran.

Temporary middle class. Ayon sa study ng Commission on Filipinos Overseas (CFO), nalikha ng OFW deployment ang tinagurian nitong ‘temporary middle class’ – ‘yung mga pamil­yang can-afford as long as may isa o dalawang OFWs na kapa­milya.

 Pero oras na mawalan ng trabaho o mag-retiro ang OFW ay bagsak ang financial standing ng pamil­ya at nabebenta ng palugi ang mga naipundar tulad ng kotse, mga appliances, alahas at maging bahay.

Sa pagsusuri ng CFO, tinatamaan daw kasi ng ‘tamad-it is’ ang OFW family members kaya marami ang hindi na nagtatrabaho pa.

Nagkakaroon din daw ng migration preference ang mga anak ng OFWs dahil nakakatikim ng material na bagay at nagkakaroon ng kaisipan na kailangang mag-abroad para kumita ng mas malaki.

Let’s continue the discussion on Thursday