Maaari nang mangalap at magpadala ng mga Filipino na guro para sa tertiary educational institutions (TEIs) sa China matapos ilabas ang patakaran para sa pagpapatupad nito.
Nilagdaan ni Labor Undersecretary Claro Arellano ang regulasyon alinsunod sa memorandum of understanding (MOU) para sa Employment of Filipino Teachers of English Language na napagkasunduan ng pamahalaan ng Pilipinas at China na ginanap sa huli noong Abril.
Itinatakda sa pinagsamang patakaran ang kuwalipikasyon ng aplikante, ang tungkulin at responsibilidad ng parehong pamahalaan, at paglalatag ng sistema sa pag-deploy at pagtanggap sa manggagawa.
Para sa kuwalipikasyon, dapat nagtatrabaho sa private higher education institution sa Pilipinas o kasalukuyang hindi nagtatrabaho sa public institution ng bansa ang mga interesadong Filipino teacher.
Para sa tuntunin ng edukasyon, ang aplikante ay mayroon dapat bachelor’s degree mula sa unibersidad o sa education o English language mula sa Philippine educational institution na akredito ng Ministry of Education ng People’s Republic of China.
Mayroon din dapat na balidong certificate of registration above the intermediate level at professional license mula sa Philippine Board of Licensure Examination for Professional Teachers (PBLEPT).