“The Filipino values have been under attack”.
Ganito inilarawan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa kanyang Facebook account ang mga pahayag umano ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi lamang sa kanyang katatapos na State of the Nation Address (SONA) kundi sa unang public appearance nito na nagsasabing “sino ba ang walang babae” at “sino ba ang walang kaligayahan.”
Ayon kay Alejano, mistulang pinalabas umano ni Duterte na lahat ng mga kalalakihan ay nambababae at natural lamang ito kaya hindi dapat itago. Dahil dito, nagtanong si Alejano kung “having many girlfriend while still married a new norm in the Filipino society?”
Bukod kay Duterte ay nababahala rin umano ito kay House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na ikaapat na pinakamataas na lider ng bansa na nagsasabi sa mga nakaraang buwan na “Sino ba naman ang walang girlfriend” at umamin na marami siyang anak sa iba’t ibang babae.
“These are personal issues but when uttered by high public officials these becomes public issue.
That is the reason why public officials must circumspect in their public statement because it affect public policy, influence peoples because public officials act as model to them, to reflects the values and culture of the people they represent.
The question is having many girlfriend or boyfriends privately or publicly while married is already a new norm in the country,” ayon pa kay Alejano.
SI alejano Bakla kasi, gusto mga lalake, kya insecure
Anu ba ang maaasahan , matututunan sa mga demonyo., cyempre immoralidad at counter attack