Fille Cainglet surfing ang peg

Fille Cainglet surfing ang peg

Surfing ang peg ni volleyball star Fille Cainglet Cayetano sa pag-celebrate ng kanyang birthday.

Hindi lang sa loob ng volleyball court rumaragasa ang nataguriang ‘mama-athlete’, kundi na rin sa pagsa-surf na kanyang ibinahagi sa Instagram nitong Lunes.

Caption niya, “Catching some waves for my birthday weekend.”

Nagkaroon rin ng mini-reunion sina Cayetano at kanyang batchmates sa Ateneo Lady Eagles na naglaro noon sa UAAP na sina Gretchen Ho, Dzi Gervacio, Jem Ferrer kasama na rin ang kanilang veteran mentor na si coach Roger Gorayeb sa iba pa niyang mga post. (JAT)