Final 12 hindi aapurahin ni Guiao kalma lang!

yeng-guiao1

Nakaliskisan na ni coach Yeng Guiao ang bawat isa sa kanyang 20-man pool ng National team, naka-apat na tune-up game bago ang main event na fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Iho-host ng Pilipinas ang Kazakhstan sa Nov. 30, bago ang Iran sa Dec. 3 parehong sa MOA Arena.

Sa pinakahuling scrimmage ay muling kinapos ang Filipinos sa Lebanon 71-60 Linggo ng gabi sa Meralco gym, tungo sa 1-3 overall sa tune-ups.

Kumalas ang Lebanese sa dulo ng laro para kumpletuhin ang two-game sweep sa Pilipinas. Kontra Jordan ay 1-1 ang Nationals, ang panalo ay nang mag-walkout ang Jordanians sa pangalawang laro pagkatapos ng sigawan nina Guiao at counterpart niyang si Joey Stiebing.

Sinabi ni Guiao na pina-finalize na nila ng kanyang coaching staff ang 12-man lineup na isasabak sa susunod na FIBA window.

“More or less, may idea na kami sa final 12,” anang coach. “We will not make that announcement right away.”
Maraming natutunan sa apat na friendlies, aminado si Guiao na marami pa ring kailangang hasain ang team.

“We know we have a lot of work to do in the next few days,” aniya. “We have four days to put together all our learnings from this series and try to make them matter in the game that is really most important to us, which is the Kazakhstan and Iran game.”