Final answer ng NFA: Walang pekeng bigas

Totoong bigas ang mga sample ng pinagsuspetsa­hang pekeng bigas na sinuri ng National Food Authority (NFA) galing sa mga lugar na sinasabing pinagbebentahan nito.

Sa pulong balitaan, sinabi ni NFA administrator Jason Laureano Aquino na batay sa ginawang pagsusuri ay hindi peke ang nasabing bigas.

“A total of six raw rice samples were subjected to analyses… The result of the samples are totoong rice,” ani Aquino.

Diin naman ni James Magbanua, national president ng Grains Retailers Confederation, walang maituturing na pekeng bigas.

“There is no such thing as fake rice. Only fake news,” ani Magbanua.

Kasabay nito, umapela si Aquino sa publiko na tigilan na pagpapalaganap ng fake news patungkol sa bigas.

“We have also sought the rice retailers to assure the public that there is no fake rice in the country,” dagdag ni Aquino.