Blangko maging ang tanggapan ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar kung kailan ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hawak na pangatlo o ang final narco-list.

Ito ang pahayag ni Sec. Andanar nang hingan ng update kung kailan ilalabas ng Pangulo ang kumpletong nilalaman ng panghuli sa tatlong listahan ng mga sangkot sa iligal na droga sa bansa o ang tinaguriang narco-list.

“Hindi ko kasi alam kung kailan ang eksaktong petsa na ilalabas ng Presidente ito…again I don’t want to preempt the President kung ano ang plano niya basta­ kami sa Presidential Communications Office ay nakahanda lang po kung ano man ang sasabihin ng Pangulo,” pahayag ng kalihim.

One Response

  1. isama niyo si delima sa listahan tsaka mga aquino tutal listahan lang naman tapos iimintahin sa crame at lilinisin sarilli.. mga gunggong kung talagang may pruweba kasuhan at ipakulong hindi puro lista