Hindi pa tiyak ng Presidential Communications Office (PCO) kung kailan at kung sa papaanong sistema ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hawak nitong final narco-list.
Ito ang inihayag kahapon ni PCO Secretary Martin Andanar nang matanong sa isang panayam sa radyo (DZXL) patungkol sa pinakaabangang third at final narco-list na hawak ni Pangulong Duterte.
“Hindi ko masasabi kung anong petsa ilalabas ng Pangulo. Mahirap naman na pangunahan ko ang ating Pangulo pagdating diyan. Basta ang alam ko lang eh isanlibo iyong nasa listahan at kung ano iyong manner ng pagpalabas ng Pangulo at kung ito ba ay installment basis o one-time big time na ilalabas, nasa Pangulo na po iyan,” paliwanag ng PCO chief.
Bagama’t blangko ang PCO chief sa kung kailan ilalabas at kung sa papaanong paraan ito gagawin ni Pangulong Duterte ay nagpahayag si Andanar na ang nakasisiguro siya ay pasok sa listahan ng Pangulo ang 1,000 local officials, judges at mga pulis.
Samantala, sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Camp Tecson sa Bulacan kamakalawa ay hawak nito ang sinasabing narco-list nang humarap sa mga scout rangers.
“Ngayon, I will have to—the final report is there, I’m about to make it public so nakiusap ako sa mga congressman kahapon. What will I do with this? There are 1,000 barangay captains and police and mayors and governors and about-judges. Nandiyan na lahat.
Galing ‘yan sa mga raw tapos sinasala, pinahasa ko sa mga Intelligence then sa NICA tapos sa PDEA, NICA. Ganun kakapal,” bahagi ng pahayag ng Pangulo kamakalawa sa Camp Tecson patungkol sa hawak na narco-list.
Nako! Nanginginig na mga yan. Badtrip na naman sil kay Duterte. Kaya ang daming bayaran at pusher na naglalabasan dito e