Pormal na inumpisahan ng Foton Pilipinas ang kampanya sa 2016 Select Tuna Thailand Volleyball Championship laban sa home team Sisaket Miyerkules ng gabi sa Wi Sommai gymnasium sa Sisaket Province.
Pero anuman ang nakapaskil na final score, bale-wala sa bagong head coach na si Fabio Menta.
Ang mahalaga sa Italian, naiparamdam niya sa mga bataan kung gaano kataas ang kumpetisyon sa labas. Inihahanda ni Menta ang Foton para makuha ang target na semifinal finish sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Sept. 3-11 sa Biñan, Laguna.
“Today, as a new coach bringing in new ideas, the score is the last thing I am thinking of,” litanya ni Menta. “I want to see the discipline and game plan, obsessive research of players trying to disrupt their game and team spirit. I want to keep in mind that our real opponent is not this team (Sisaket), but Hong Kong on the third of September.”
Dumating sa Sisaket ang Foton Pilipinas noong Linggo pero hindi kasama sina middle blocker Jaja Santiago at opposite hitter Jovelyn Gonzaga. Abala si Santiago sa National U, hindi naman nakakuha ng travel permit si Gonzaga na miyembro ng Philippine Army.
Malaking bagay ang pagkawala ng dalawa, kahit pa nasa kondisyon sina imports Lindsay Stalzer at Ariel Usher, guest players Aby Maraño at Jen Reyes, at mainstays Cherry Rondina, Patty Orendain at EJ Laure.
“Not having these main players when you try to mechanize your movements is a major step back to your work,” paliwanag ni Menta.
Pagkatapos ng Sisaket, sasagupain ng Foton ang Bangkok Glass at Rungsit University para magkaalaman ng placing sa classification round.