Laro sa Sabado (Mall of Asia Arena)
4:00 p.m. — Ateneo vs FEU

Umabante sa championship round ang No. 1 seed De La Salle University matapos tuhugin ang mahirap na 69-64 panalo laban sa fourth-seed Adamson sa semifinals ng Season LXXIX UAAP men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena.
Kumayod si veteran Jeron Teng ng 25 points, nangalabaw si season MVP Ben Mbala ng 21 markers at 16 rebounds para isampa ang Green Archers sa Finals.
Hindi na inaksaya ng La Salle ang win-once incentive, ngayon ay aabangan sa best-of-three Finals ang mananalo sa pagitan ng No. 2 Ateneo at defending champion Far Eastern University na maghaharap sa Sabado.
Twice-to-beat din ang Blue Eagles, ang team na dumungis sa karta ng La Salle.
Kahit natalo, ipinagmamalaki ni Adamson coach Franz Pumaren ang kanyang mga bataan.
“I’m proud of my boys. Whatever experience we gained, we’ll use that as a springboard for next season,” giit ni Pumaren.
Humarabas si Mbala sa third period pero hindi nasindak ang Falcons at naagaw pa ang manibela, 50-51, papasok ng final stanza.
Dikitan pa rin ang laban sa last 10 minutes hanggang sa pumabor ang laro sa La Salle matapos mapatawan ng unsportsmanlike foul si Robbie Manalang ng Adamson.
Siniko ni Manalang si Aljun Melecio ng Green Archers.