Nilampaso ni incumbent Romblon Gov. Lolong Firmalo si dating Romblon Rep. Eleandro Madrona sa ginawang survey ng isang radio station sa lalawigan kung sino ang magwawagi sa congressional race sa Mayo.
Sa online survey ng Romblon News Network (RNN) na nagsimula noong February 1 hanggang 15, nakakuha si Firmalo ng 74 percent o may 1,399 affirmative votes na umabot sa 1,881 boto lahat.
Sa tanong na “Sino ang bet niyo para sa Kongreso?” si Madrona ay 20 percent o 367 na boto lamang. Si Madrona ay kasalukuyang nahaharap sa kasong graft and corruption sa Sandiganbayan dahil sa fertilizer scam.
Samantala, ang abstain vote naman ay 115 o 6 percent sa kabubuang boto.
Ang RNN survey ay may restriction din na nakabase sa IP address at cookie na hindi pinapayagang maulit ang pagboto sa loob ng 24 oras para sa iisang IP address.
Tinalo ni Firmalo si Madrona noong 2004 elections sa pagka-congressman. Sakalukuyan, ang incumbent representative ng probinsya ay si Emmanuel Madrona, nakababatang kapatid ni Eleandro.