Inatasan kahapon ng Palasyo ng Malacañang ang Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) na bayaran na ang kompensasyon ng mga unang batch ng mga biktima ng rehimen ni dating Pangulong ­Ferdinand Marcos.

Kasabay ng direktiba ay pinabibilisan din ng ­Pangulo ang pagpoproseso ng ebalwasyon at pagpapalabas ng claims ng Martial Law victims.

Ang pagpapabayad ay isasagawa sa pamamagitan ng Land Bank cards na buwanang ihuhulog.

Ang unang batch ay mula sa Metro Manila habang ang mga nasa probinsya ay nakatakdang i-eskedyul ng HRVCB.