Sa pang-anim na season sa PBA, sa unang pagkakataon ay biyaheng Finals na ang Meralco.
Balik din si championship showdown si coach Norman Black.
Ginawang tuntungan ng No. 4 Bolts ang 94-88 Game 5 win laban sa No. 1 TNT KaTropa para mauna nang sumampa sa Governors Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Hihintayin ni Black at ng Bolts ang makakatapat sa kampeonato ng season-ending conference alinman sa Ginebra o defending champion San Miguel Beer na may winner-take-all sa sariling serye mamaya sa Big Dome din.
Sina Black, ace point guard Jimmy Alapag at Jared Dillinger ay pare-parehong galing TNT na lumipat sa sister-team Meralco. Si Alapag ay nag-retire na sa Texters, bumalik sa paglalaro, inabot ng injury, nakabalik ulit at ngayon ay nasa finals na naman.
Bago ang laro, kulang ng limang 3s si Alapag para pantayan ang all-time record ni Allan Caidic na 1,242 career three-pointers made. Walang pumasok sa tira ng Mighty Mouse mula long range pero tulad ng dati ay siya ang namuno sa plays sa loob.
“I am really happy for the team, for the players,” bulalas ni Black. “They worked hard, they put on the extra work. We’d come a long way since the first conference. It’s not over yet but I can’t be more proud of my players and I am happy for the Meralco community.”
Ayaw pakabog ng Meralco sa mas matikas na TNT, ayaw sumuko nina Alapag, Reynel Hugnatan, Cliff Hodge, Chris Newsome at Allen Durham. Tumapos si Hodge ng game-high 32 points, may 19 si Durham, 16 kay Hugnatan at 15 si Newsome.
Tumapos ng team-high 25 points si Jayson Castro sa TNT bago napatalsik dahil sa magkasunod na technical fouls 2:20 pa sa laro at naghahabol ang KaTropa, 83-76. Hindi na nakarekober ang Texters.
