Mga laro ngayon (MOA Arena)
4:15 p.m. — Blackwater vs. TNT
7:00 p.m. — Phoenix vs. Ginebra

Maraming ‘firsts’ sa prangkisa ang tatangkaing kolektahin ng Blackwater sa pakikipagtipan sa TNT KaTropa sa PBA Governors Cup ngayon sa Mall of Asia Arena.

Sa nightcap, pahahabain naman ng defending champion Ginebra ang winning streak sa lima para upuan ang solo-second laban sa Phoenix na magtatangkang makawala mula sa six-game slide.

Galing ang TNT sa 110-103 decision kontra Fuel Masters noong Biyernes, kokontakin ang unang back-to-back wins ngayong season-ending conference.

Mataas ang kumpiyansa ng Elite, sinagasaan ang Phoenix at NLEX bago huling biniktima ang Alaska, 111-106, sa double-overtime.

“Blackwater is at their best right now,” lahad ni KaTropa coach Nash Racela. “The locals have been playing well with (Henry) Walker’s leadership. We need to study and prepare hard to have a chance.”

Franchise-record na ang three consecutive wins ng Blackwater, gustong pahabain pa ni coach Leo Isaac laban sa team na hindi pa nila tinatalo sa liga.

“So many things are at stake,” lahad ni Isaac. “A first-ever four-game win streak for our franchise, and a first-ever win over TNT since we joined the PBA. Also, a first for Henry Walker to win over TNT since he started playing here in the country.”

Unang hinugot ng Alaska si Walker noong 2014, at naglaro sa NLEX noong 2016. Mula sa 0-3 start, 3-3 na ang Elite sa likod ng 32 points, 20.67 rebounds at 4.3 assists per game ni Walker.