Dadayo ng Biñan, Laguna ang Kaya Makati para itaya ang five-game winning streak laban sa Stallion Laguna sa pagpapatuloy ng Philippines Football League bukas, Linggo.

Sa kanilang home turf sa Makati noong Lunes, inulitan ng Kaya ang Ilocos United sa manipis na 2-1. Tatlong araw bago ang panlimang ­sunod na panalo, mas malaki ang winning margin ng Kaya sa Ilocos din, 5-2.

Dalawang beses na ring tinalo ng Kaya ang Stallions — 1-0 sa goal ni Marwin Angeles noong June 4 sa University of Makati, at 3-1 sa goal ni Jordan Mintah at dalawang free kicks ni Miguel Tanton noong July 5 sa Biñan Football Stadium.

Pero ibang Stallion ang paparada­ ngayon, mainit din sa tatlong sunod na panalo at may bagong armas sa katauhan ni Gabriele Mascazinni. Mula nang dumating sa Stallion ay dalawang beses nang umiskor ang 22-year-old Swiss striker.

Isa pang pambato ng Laguna si Jhan-Jhan Meliza na may three goals sa last three games.