Simula sa Marso 9 ay ipapatupad na ang fixed salary para sa mga driver at konduktor ng bus, ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC).
Nakasaad ito sa revised guidelines ng NWPC para sa fixed salary at performance-based incentive ng mga bus driver at konduktor sa bansa.
Alinsunod sa naturang compensation package, kinakailangan umanong ipatupad ang pay package para sa mga driver at konduktor na nakabase sa kinikita ng kompanya ng bus, ridership, safety record, route condition at iba pang aspeto.
Ipinaalala rin ng NWPC na maaaring matanggalan ng prangkisa ang isang kompanya ng bus na hindi susunod sa bagong kautusan hinggil sa pagpapasuweldo sa kanilang mga driver at konduktor.
Nakasaad pa sa bagong panuntunan na hindi umano dapat bumaba sa minimum pay ang pasuweldo sa mga driver at konduktor batay naman sa rehiyon na kanilang pinapasadahan.
Bukod sa fixed salary, magkakaroon na rin ng overtime pay, night differential, service incentive leave, 13th month pay at iba pang benepisyo ang mga driĀver at konduktor mula sa pinapasukang kompanya.