Fixer laglag sa entrapment operation

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang 44-anyos na fixer sa kumagat sa entrapment operation sa Bacoor, Cavite.

Pasado alas-nuwebe, Lunes nang gabi nang maaresto sa isang pizza restaurant ang suspek na si Ferri Wincle Mariano Garcia, na fixer ng mga dokumento sa mga aplikante ng prangkisa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Quezon City.

Nabatid na napilitan ang complaiĀ­nant na si Lovella Bernabe Mariano na hingin ang tulong ng pulisya, matapos ipitin ng suspek ang kanyang mga dokumento, at pumayag lang na ibalik sa kanya kapalit ng pera.

Kasong robbery extortion ang kinakaharap ng naarestong suspek. (Rossel Calderon)