Floirendo kinuyog ng prosekusyon at abogado ni Alvarez

Nagsanib-pwersa ang prosekusyon at abogado ni Speaker Pantaleon Alvarez para sa paglilitis sa kasong graft laban kay Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo kaugnay sa umano’y maanomal­yang land lease deal sa Davao Penal Colony.

Ito’y matapos na payagan ng Sandiganbayan ang mga abogado ni Alvarez na na tulu­ngan ang prosekusyon sa graft case nito laban Floirendo.
Ito’y bilang pagpabor ng Sandiganbayan Sixth Division sa hi­ling ng prosekusyon na pa­yagan sina Atty. Edgardo de Jesus at Paul Joseph Mercado na makasama sa procee­dings sa kasong isinampa ni Alvarez.

Ngunit hindi naman pinapayagan ng anti-graft sina De Jesus at Mercado na magbigay ng direct at cross exa­minations gayundin ang tumutol sa paglilitis dahil hindi naman sila itinalaga ng Office of the Ombudsman bilang special prosecutors