Flood control projects sa Leyte minamadali

Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa anim na pangunahing flood control projects nito sa lalawigan ng Southern Leyte.

Ayon kay DPWH Region 8 Director Edgar Ta­bacon, ang P240 million flood control system ay ­inaasahang makakatulong upang maiwasan ang pag-apaw at pagguho ng lupa sa kahabaan ng Su­bang Daku River sa Southern Leyte.

Sinasabing ang naturang proyekto na pinakama­laking watercourse ng nasabing lalawigan ay dadaan sa bayan ng Sogod kabilang ang anim na flood control structures na nagkakahalaga ng P40 milyon bawat isang river sections ng Hibod-Hibod, Kanangkaan, San Juan, San Vicente, Suba at Zone 3.