Flora, bagong coach napalipad na ang Adamson vs NU

Flora, bagong coach napalipad na ang Adamson vs NU

Nakamit ng Adamson University Lady Falcons ang unang panalo sa astig na debut first round eliminations ng UAAP season 81 women’s volleyball tournament ng bagong coach laban sa National University Lady Bulldogs, Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Nasungkit ng Lady Falcons ang laban 25-15, 25-19, 25-22 sa pag-entra ni Rogelio ‘Onyok’ Getigan, pumalit sa nasibak na si Air Padda .

Humataw si Bernadette ‘Bern’ Flora ng 15 points para sa San Marcelino-based squad, habang nagdagdag si Eli Soyud ng 12 points para sa 1-3 win-loss record.

Ibinigay ni veteran middle blocker Joy Dacoron ang huling puntos para sa Adamson sa isang running attack.

Sa maikling interview, pinasalamatan at inialay ni Flora ang laro kay Padda.

“Lalaban kami kahit wala si coach Air, kahit late na naman na-rea­lize na kailangan namin lumaban,” wika ni Flora.
Susunod na makakatapat ng Lady Falcons ang FEU Lady Tamaraws sa Marso 10, Linggo sa The Arena San Juan.