KAKABUKAS pa lamang ng ikalawang aklat ng mas wild na Wildflower at agad na itong pumalo sa bago nitong all time high national TV rating noong Lunes (May 29).
Base sa datos ng Kantar Media, nakatamo ang teleserye ng TV rating na 25% nationwide kumpara sa kalaban na may 15.2% lang.
Wagi rin ito sa ibang teritoryo tulad ng total urban at rural Philippines, Mega Manila at Metro Manila.
Tinutukan ng sambayanan ang engkwentro sa pagitan nina Arnaldo (RK Bagatsing) at Nanay Carlota (Anna Abad Santos) at ang pagdadalamhati ni Ivy (Maja Salvador) nang matagpuang walang buhay ang nanay-nanayan.
Lubos ang pasasalamat ni Maja sa mainit na pagtanggap ng viewers sa pinagbibidahang serye.
“Mula po sa akin at lahat ng bumubuo ng Wildflower, maraming salamat sa wild na suporta at pagmamahal na binigay n’yo sa amin noong Season 1.
https://www.instagram.com/p/BP1fIZRhqo5/?taken-by=iammajasalvador&hl=en
“Itong papasok na Season 2, pinapangako namin na mas magiging wild pa ang mga reaction n’yo, magiging wild pa ang mga revelation at marami pang wild na mga twist na mangyayari.
“Sana, patuloy n’yo pa kaming mahalin at subaybayan,” sabi ni Maja.
Sa pagkamatay ni Nay Carlota, mas sisidhi ang galit ni Ivy sa mga Ardiente.
Ano ang gagawin ni Ivy mabigyan lang ng hustisya ang babaeng tinuring na pangalawang ina?
Wala nang makakapigil sa pagbangga ni Diego (Joseph Marco) sa kapatid na si Arnaldo sa larangan ng pulitika.
Manalo kaya siya o magiging biktima ng mga tusong kalaban?
At pagdating sa laban ng pag-ibig, tuluyan na bang mahuhulog si Arnaldo sa bitag ni Ivy?
Isasantabi ba ni Diego ang nararamdaman kay Ivy para unahin ang kapakanan ng mga Ardiente?
Go, Maja! Slay!