DAMANG-DAMA ng Kapamilya primetime serye ng ABS-CBN na Wildflower ang init ng pagmamahal ng manonood matapos itong pumalo sa panibago nitong all-time high national TV rating noong Martes (May 16).

Base sa datos ng Kantar Media, pumalo ng 24.6% nationwide ang programa sa naturang araw kumpara sa 10.7 % ng kalaban dala ng pagpapahirap ng mga Ar­diente sa walang laban na si Jepoy (Vin Abrenica).

Humahalimuyak!

Mas bumango sa ­ratings!

Nakuha rin ng Wildflower ang top spot ­bilang pinakapinapanood na programa sa video-on-demand site na iWant TV at tumabo ng mahigit 800,000 views.

Patuloy na nalalagay sa alanganin ang plano ni Ivy (Maja Salvador) dahil sa pagdududa sa kanyang katapatan ng mga Ardiente.

Patuloy rin na ­binabangga ni Diego ­(Joseph Marco) ang mga kadugo sa ngalan ng katarungan at para maprotektahan ang mga kasama sa ­kooperatiba.

Mabuko na kaya ng mga Ardiente ang pagpapanggap ni Ivy? Makaligtas kaya si Jepoy?

Ano pa ang handang gawin ni Diego maipanalo lang ang laban?